Family Park ( Lakbay Sanaysay)

LAKBAY SANAYSAY o PHOTO ESSAY 


Agosto 14, 2022


Ano nga ba ang Lakbay Sabaysay o Photo Essay? 

-Para sakin ang lakbay sanaysay ay kung saan ibinabahagi natin at isinasalay natin ang mga lugar na ating napuntahan. 

Magandang Araw po sa'yo Gng. Eroma ako po si Mary Claire Claros at ito po ang aking Lakbay Sanaysay.


Agosto 1,2022 yan ang araw na pumunta kami sa Family Park sa Talamban,Cebu. Ginising ako ng maaga ng aking kapatid at sinabihan ako na may pupuntahan daw kami,nagtaka naman ako kasi bakit napaka biglaan naman ng aming lakad ni hinde nga ako sinabihan kinagabihan niyan na may lakad pala kami. Kasi pag may pupuntahan kami nasanay ako na sinasabihan muna kung kelan at saan kami pupunta sa araw na yan. 
Kahit na inaantok pa ako dali dali akong naligo at pumili ng akong masusuot sa araw na iyon dahil excited din ako maka punta sa  Family Park. Kasi base  sa nakita ko sa aking "facebook timeline" ang lugar na iyon ay malawak, maraming mga puno, may palaruang pambata kagaya ng siso, slides at iba pa at higit sa lahat sabi ng lola ko nandun rin daw ang mga wild/ mababangis na mga hayop. 
At nung nakarating na kami sa aming napuntahan hinde naman siya gaano ka layo kung tutuusin dahil may sasakyan naman ang tita ko at yung Talamban at Mandaue ay malapit lapit lang naman.  At kung pupunta kayo sa Family Park may entrance fee  na tig sa-sampu bawat isa.  



At pagka rating namin doon sobrang daming ng mga tao makikita mo agad yung mga bata na nagtatakbohan, naglalaro, may mga tao rin na nagsasayawan, nagtatawanan,ang saya tignan ng mga tao doon. Kumain muna kami bago kami naglibot sa aming pinuntahan at pagkatapos nun nagsimula na kaming maglibot. Sa paglilibot namin may nakita akong mga hayop na kagaya ng unggoy,ibon kambing. Sayang lang hinde na sila  ganon ka rami wala narin ang mga mababangis na mga hayop. At may pool area din sila doon kung saan pwedeng pwede maligo ang matatanda at bata. May malaking open field sa harap mismo ng entablado ay perpekto para sa iba't ibang uri ng sports pati na rin ang mga aktibidad ng grupo.


Bilang Pilipino hinde talaga mawawala sa atin ang pictorial mapa selfie o groupie pic. kaya bago kami umuwi may naganap munang pictorial.

Pagkatapos,kumain muna kami bago kami umuwi at nung dapit hapon na napag desisyonan na namin umuwi dahil marami rami narin ang nag sisilabasan na mga lamok. At hanggang hapon sa alas singko din ay magsasara narin ang family park. 

Masarap tumambay doon dahil sa priskong hangin at kahit saglit lang kami doon nagkaroon naman kami ng bonding ng aking pamilya. Nagtatawanan, nag kwe-kwentohan at sa panahon na iyon ang family park ay nagkaroon ng especial sa aking buhay. Perpekto talaga ang lugar na ito para sa pam-pamilya. 






Comments